Ang Bagong Kakampi ng Maliliit na Negosyante: Michael Fermin ng ALAY BUHAY

Alay Buhay Party List Michael Fermin

Mula sa Alay Buhay Party List, isang maliit at makasaysayang pagpupulong ang ginanap upang ipakilala ang bagong sasaklolo sa mga Micro-Small-Medium Enterprises (MSME) sa pamamagitan n gating idolo na si Michael C. Fermin.

Ginanap sa Max’s Restaurant sa panulukan ng Sct. Tuazon sa Lungsod ng Quezon, ang pagpapakilala sa numero unong representante ng Party List sa Halalan sa susunod na Taon; mula sa isang bagong mukha ng Alay Buhay, Michael C. Fermin. Naniniwala ang nasabing partido na may angkop at karanasan na tunay ngang kwalipikado bilang maging representante na siyang magsisilbing boses ng grupo at ng mga mamamayan na nabibilang sa MSME na kategorya.

Ang bagong mukha ng Alay Buhay ay tubong Bulacan. Ang ating butihing si Michael Ferminay isang pinagmamalaki ng kanyang Kinalakihang Bayan at Probinsya ng dahil sa kanyang 20 taon na serbisyo-publiko na nagsimula pa noong siya’y nasa Sanggunian ng Kabataan. Isang siyang pamilyado at respetadong tao. Sa kabila ng lahat, nahahati niya ang kanyang oras sa mga bagay na mahal at mahalaga sa kanya. Sa ngayon, isa siya sa mga Director ng Poro Point Management Corporation sa La Union (Isang Grupo na namamahala na gawing isang economic zone ang dating base military ng mga Amerikano.

Sa pagpapakilala sa kanya nilang opisyal na unang representante ng Alay Buhay, nasa kamay na ni Michael C. Fermin na ipagpatuloy at pagtibayin pa ang mga nasimulang Gawain ng naturang partido. Naniniwala ang Alay Buhay Party List na ankop ngang maging boses ng MSME’s ang kanilang napiling representante para sa Halalan 2019. Para kay Michael Fermin, ang pagbigay ng kaukulang kakayahan at suporta pinansyal ay hindi sapat para maitulak ang mga maliit na negosyo sa pag-unlad kung kaya naniniwala siya na dapat at mapagtuunan sila ng pansin at mabigyan ng angkop na kaalaman sa pagpapalakad ng tama ng isang negosyo at masuportohan ng mga kaukulang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng Gobyerno.

Alay Buhay Party List Michael Fermin

Ito ang Pahayag ng Ating Bagong Boses Ng Alay Buhay, Michael C. Fermin:

“Maraming programa ng ating pamahalaan para sa mga tao na nais magkaroon o magsimula ng isang negosyo ngunit bihira lang ang nakakaalam at kumukuha nito. Bakit? May problem aba sa proseso? Eto ang isa sa mga gagawin ko bilang boses ng Alay Buhay Party List, ang maging susi at tulay sa mga MSME’s sa mga nakalaan na programa at patakarang pamahalaan para sa kanila. Hindi sapat ang bigyan na lamang sila ng kinakailangan kakayahan at panimulang pondo. Marami ng mga nasa pribadong sector ang gumagawa nito alinsunod sa itinalaga sa kanila na pwedeng maging benepisyo mula sa Pamahalaan. Bakit ang mga malalaking negosyo nagagawang kumuha at gumamit ng ibinibigay na benepisyo ng Gobyerno? Bakit ang mga maliliit ay nahihirapan? Isa sa aking tutukan at bibigyang pansin bilang boses ng Party List at ng mga MSME; tamang kaalaman sa inyong benepisyo ang siyang magtutulak ng inyong mga munting kalakalan sa pag-unlad. Ang pagtulong ko sa mga MSME ay isa ring tulong nila sa pamahalaan kung kaya makikita natin ang Pag-unlad ng MSME sa pagpapaunlad ng bayan.”

Sa kanyang KKK (Karanasan, Kasanayan, Karunungan), Hindi mapagkakailang tama na maging boses ng mga MSME ng Alay Buhay Party List na si Michael Fermin. Sa kanyang mga pananaw, lalawak ang mga nakasanayang Gawain ng mga tumutulong sa mga MSME, hindi lamang ng kanyang grupo. Asahan natin ang mga gagawin niya para sa ikauunlad ng mga munting negosyong nangangarap ng malaki.

Para sa gustong malaman ang tungkol sa Alay Buhay Party List at sa kanilang Adbokasiya, maari po ninyong bisitahin ang Facebook Page: https://www.facebook.com/AlayBuhayPartylistOfficial/

Para sa gusting makilala at Makita ang karagdagang impormasyon n gating butihing Michael C. Fermin, tingnan po lamang ang kanyang Facebook Profile: https://www.facebook.com/michaelfermin